Home
ログイン登録
取引する準備はできていますか?
今すぐ登録する

Trend Continuation Patterns: Gabay Para sa Mga Nagsisimula

Sa trading, ang pag-intindi at pagbabasa ng iba’t ibang chart ay maaaring maging susi ng iyong tagumpay. Tara, pag-usapan natin ang trend continuation patterns at kung paano mo ito magagamit sa iyong pabor.

  1. Mga Batayan ng Trend Continuation Patterns: Alamin ang kahulugan ng flags, pennants, at triangles.
  2. Pagbasa ng Pattern: Matutong kilalanin ang mga senyales ng pagpapatuloy ng trend.
  3. Praktikal na Aplikasyon: Gamitin ang mga pattern na ito para sa mas estratehikong pagpasok sa trades.

Mga Batayan ng Trend Continuation Patterns

Ang mga trend continuation pattern tulad ng flags, pennants, at triangles ay nakabase sa sikolohiya ng mga trader at sa momentum ng market. Karaniwan itong lumilitaw sa kalagitnaan ng isang trend kung saan pansamantalang humihinto ang galaw ng presyo habang nagre-reassess ang mga trader. Pagkatapos nito, madalas ay nagpapatuloy ulit ang dating trend. Ang mga pattern na ito ay karaniwang nabubuo malapit sa mahahalagang presyo, kaya naman nagkakaroon ng dagdag na pagbili o pagbenta na nagpapalakas sa kasalukuyang trend.

Ed 203, Pic 1

Pagbasa ng Pattern

  • Flags - Mukha itong maliit na rektanggulo na nakatagilid, taliwas sa kasalukuyang trend, parang bandila sa poste. Ipinapakita nito na may sandaling pahinga sa market bago magpatuloy ang trend.

  • Pennants - Maliliit na symmetrical na triangle na lumilitaw pagkatapos ng matinding galaw ng presyo. Senyales ito na pansamantalang huminto ang market pero malamang na ipagpapatuloy ang dating direksyon.

  • Triangles - Maaaring ascending, descending, o symmetrical. Kapag na-breakout ng presyo ang triangle, karaniwan itong senyales na magpapatuloy ang trend.

Ed 203, Pic 2

Praktikal na Aplikasyon

Ang continuation patterns ay nagpapahiwatig ng pansamantalang pahinga sa trend, na susundan ng pagpapatuloy ng parehong direksyon. Sa kabilang banda, ang reversal patterns naman ay nagpapahiwatig ng posibleng pagbabago sa trend. Mahalaga na marunong kang magkaiba ng dalawa.

Narito kung paano gamitin ang trend continuation patterns:

  • Kilalanin ang pattern: Obserbahan ang chart at hanapin ang mga posibleng flag, pennant, o triangle sa loob ng umiiral na trend.

  • Kumpirmahin ang trend: Hintayin na mabuo nang buo ang pattern. Siguraduhing tugma ito sa tamang itsura—ang flag ay may parallel lines, at ang pennant ay parang maliit na triangle.

  • Hintayin ang breakout: Kapag tumagos o lumabas na ang presyo sa pattern, malaki ang tsansa na magpapatuloy ang trend.

  • Magpasok ng trade: Pumasok sa trade kaagad matapos ang breakout.

Ed 203, Pic 3

Ang pag-unawa sa trend continuation patterns ay maaaring magbigay sa iyo ng malaking kalamangan bilang trader. Hindi lang ito tungkol sa teorya—ang mahalaga ay magamit mo ito sa aktwal na trading. Sa aming platform, makakahanap ka ng perpektong lugar para subukan ang mga pattern na ito at paunlarin ang iyong trading skills.

取引する準備はできていますか?
今すぐ登録する
ExpertOption

当社は、オーストラリア、オーストリア、ベラルーシ、ベルギー、ブルガリア、カナダ、クロアチア、キプロス共和国、チェコ共和国、デンマーク、エストニア、フィンランド、フランス、ドイツ、ギリシャ、ハンガリー、アイスランド、イラン、アイルランド、イスラエル、イタリア、ラトビア、リヒテンシュタイン、リトアニア、ルクセンブルク、マルタ、ミャンマー、オランダ、ニュージーランド、北朝鮮、ノルウェー、ポーランド、ポルトガル、プエルトリコ、ルーマニア、ロシア、シンガポール、スロバキア、スロベニア、南スーダン、スペイン、スーダン、スウェーデン、スイス、英国、ウクライナ、米国、イエメン。

トレーダー
アフィリエイトプログラム
Partners ExpertOption

お支払い方法

Payment and Withdrawal methods ExpertOption
取引や投資には多大なリスクが伴うため、必ずしもすべてのお客様に適しているわけではございません。売買を行う前に、お客様の投資目的、経験およびリスク許容度を十分にご検討ください。売買には財務上のリスクが伴い、資金の一部または全部を失う可能性があることをご理解の上、損失を許容できない資金を投資されないようお願いいたします。お客様は、取引および投資に関連するすべてのリスクを認識し、十分に理解する必要がありますので、疑問がある場合は、 独立した財務アドバイザーにご相談ください。お客様には、本サイトで提供されるサービスに関連する、個人的、非商業的および譲渡不能な使用に限り、本サイトに含まれるIPを使用する限定的な非独占的権利が付与されます。 EOLabs LLCは、日本金融庁の監督下にないことから、日本向けの金融商品の提供や金融サービスの勧誘とみなされる行為には関与しておらず、本ウェブサイトは日本居住者を対象としたものではありません。
EOLabs LLCは、日本金融庁の監督下にないことから、日本向けの金融商品の提供および金融サービスの勧誘とみなされる行為には一切関与しておらず、本ウェブサイトは日本居住者を対象としたものではありません。
© 2014–2025 ExpertOption
ExpertOption。無断転載を禁じます。